Thursday, September 16, 2010

...subok lang...


kanina pa akong nag-iisip
gusto kong magsulat
subalit hindi ko alam kung paano magsisimula
gusto kong magsulat
ngunit kalat-kalat ang napakaraming ideya
maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan
sa pagsusulat nasasabi ko ang laman ng aking puso
pero ibang paraan naman ang gusto ko
malayang taludturan
walang sukat
walang bilang
hindi magkakatugma
katulad nating dalawa..

Tuesday, September 14, 2010

...kaliwali...




ilang buwan na din na tayo'y magkakilala
madalas nagbibiruan at laging magkahunta
sa kalokohan tayoy magkasangga
kaya naman buong tiwala sa iyoy ibinigay na...


nakakalungkot na hindi naman pala totoo
ang lahat ng sa akin ay ipinakita mo
akala ko pa naman ay magkaibigan tayo
kahit na dito lamang sa peysbuk nagkatagpo...


sana ay masaya ka sa lahat ng ginawa
sa paglalaro mo sa aking tiwala
gusto ko lang sabihin sa yo ng taas-noo
na yung totoong ako ang nakilala mo...


ngayon ay tapos na ang 'yong pagbabalat-kayo
kahit ilang libo pa ang maging paliwanag mo
sarado na ang mga tenga ko
at tinatapos ko na ang palabas na ito.





(31 august 2010)

Monday, September 13, 2010

MAHAL KITA!!!MAHAL KITA!!!MAHAL KITA!!!

Mahal kita!!!mahal kita!!!mahal kita!!!
kung bakit ay hindi ko alam
kung paano ay hindi ko mabatid
kung gaano ay di ko masukat..

ang tanging alam ko ay mahal kita
kahit akoy tulog o gising ang diwa
basta mahal kita
wag ka ng magtanong pa...

mahal kita
hanggat kayaikaw ay ipaglalaban
kahit ano pa ang sabihin ng karamihan
tanging ikaw lamang ang aking pakikinggan...

mahal kita

mahal kita

mahal kita

mahal kita

kapag sinabi kong mahal kita ay mahal kita
kahit pa sino ang sa atin ay humadlang
basta akoy nasa tabi mo lang
at hindi kita iiwan...

mahal kita
ikaw ang aking inspirasyon
ikaw ang laman ng aking pangarap
ikaw ang kasama ko sa reyalidad

mahal kita
sa lahat yan ay ipagsisigawan
kung sa akin ay may magtatanong
kung ano ang kahulugan ng salitang pag-ibig
akoy hindi na magdadalawang-isip
pangalan mo ang aking isasatinig.






(27 august 2010)

=broken-hearted me=



hindi ko alam kung paano muling magsisimula
paano ko haharapin ang buhay ngayong wala ka na
hindi ko alam kung tama ba itong aking ginawa
ang ikaw ay iwan kahit tayoy nagmamahalan pa...


masakit man sa akin ang sa iyoy magpaalam
ngunit ito lamang ang tanging alam kong paraan
ayaw kong dumating ang panahon na kapwa masaktan
kaya habang maaga pa pinuputol ko na ang ating ugnayan...


mahal kita yan ang lagi mong tatandaan
minahal kita kahit alam kong akoy masasaktan
pagmamahal ko sa iyoy walang sukatan
kaya itong desisyon ko sanay iyong maunawaan...


salamat sa pag-ibig na sa akin ay ibinigay
salamat sa pagtyatyaga sa kakulitan kong taglay
salamat sa pag-amo sa tuwing akoy nagtatampo
salamat sa pagsuyo sa bawat pagseselos ko...


marahil sa ngayon ikaw ay aking nasaktan
alam kong darating ang panahon itoy maiintindihan
itong aking ginawa ay iyo pang pasasalamatan
sapagkat sa pagdedesisyon hindi ka na mahihirapan...


kung darating ang panahon na landas natiy muling magtatagpo
hiling ko na sana pagkakaibigan ay muling mabuo
hindi pa siguro sa ngayon pagkat puso koy nagdurugo
marahil sa dako pa roon kapag sakit nitong damdami'y naglaho...



(23 august 2010)

Padre Damaso

Kaninang umaga, gising ko ay kay ganda
Ngiti sa aking labi ay talaga namang kay-igaya
Magaang damdamin ay aking daladala
At kay aliwalas nitong aking mukha.


Subalit ang lahat ay dagling nagbago
Ng tinig mo ay narinig at ikaw ay iniluwa nitong pinto
Mundo ko'y biglang nagkaroon ng gyera at sigalot
At ang maaliwalas na mukha'y napalitan ng simangot.


Ang aking dibdib ay tunay na nagpupuyos,
Sa galit, sa pagkamuhi at pagkasuklam na lubos
Talaga namang ikaw sa bait ko ay matinding pagsubok
Na kailangan ng sangkaterbang panalangin
bago mapalipas ang matinding pagkayamot.


Gustuhin ko man na ikaw ay patulan
Kailangan kong magpigil dahil baka ako'y biglang umuwing talunan
Alam kong sa iyo wala akong kalaban-laban
Kaya't sa panitik na lang ikaw ay aking babanatan.

Wednesday, August 18, 2010

...level up...



doon sa ilb
ako ay nakakilala
ng mga taong nakasama sa lungkot at saya
araw-araw sa net kausap sila
hanggang sa naging malapit na sa isa't isa..

hindi ko akalain na akoy makakakita
ng mga kaibigang makakaramay sa tuwina..
hindi ko akalaing doon ay liligaya
at magkakaroon ng totoong pamilya..

aming pagkakaibigan
ngayoy ibang level na
mga tinig ay narinig
maging mga halakhak nila
para namang musika sa aking tenga..

sa aking ateng emotera nay ukitera pa
sa aking inay na talaga namang pilya
sa tita red kong maganda na kay sarap tumawa
akoy masayang-masaya
pagkat kayoy nakausap na..

kagaya ng aking sabi sa inay olive kong marikit
sya pala ay totoong tao at hindi isang alien na mabagsik
ng ang boses ni tita red at ate liezel ay narinig
aking napagtantong totoo ang ating frendship..

kaya naman sa Poong Lumikha
taos puso ang aking pasasalamat
pagkat sa buhay ko kanyang ipinagkaloob
mga bagong kaibigang walang katumbas na saya ang dulot

sa inyo pong tatlo na aking nakausap
gusto ko pong malaman nyo na akoy labis na nagagalak
pagkakaibigan natiy walang makakatumbas
mahal ko po kayo yan ay hindi na kukupas..


(09 august 2010)

...iloveu goodbye...


bakit ba ganito ang aking nararamdaman?
akoy nalulungkot at di ko maintindihan
boses mo ay hinahanap subalit di naman matagpuan
puso koy nangungulila, nasan kaya ang minamahal?

kay hirap talaga ng walang kasiguruhan
ano ka sa buhay nya, ni hindi mo alam
sapat na bang marinig ang "Mahal kita" sa kanyang bibig
upang mapanatag ang damdamin kong naliligalig.

sana ay malaman mong ikay aking mahal
kahit na nahuli man ang dating ko sa iyong buhay
mahal kita kahit alam kong akoy walang hinihintay
sapat na ang marinig na ako ri'y iyong minamahal.

may mga pagmamahal siguro na talagang may hangganan
at marahil ang sa atin ay ngayon na ang katapusan
palalayain kita pagkat ayaw ko ng masaktan
dahil sa bandang huli ako pa rin ang talunan.

siguro ay sasabihin mong akoy madamot at duwag
pagkat pagmamahal koy di magawang ipagsigawan sa lahat
subalit iwan ka ang tanging alam na paraan
ayaw kong makasakit ng iba dahil minsan na ring ako'y nasaktan.

kaya paalam na sa iyo aking mahal
salamat sa pagmamahal na sa akiy inialay
salamat sa pagtatyaga at pang-unawa na sa aki'y ibinigay
mahal kita kaya akoy magpaparaya, yan ang lagi mong tatandaan.


(07 august 2010)