Tuesday, September 14, 2010

...kaliwali...




ilang buwan na din na tayo'y magkakilala
madalas nagbibiruan at laging magkahunta
sa kalokohan tayoy magkasangga
kaya naman buong tiwala sa iyoy ibinigay na...


nakakalungkot na hindi naman pala totoo
ang lahat ng sa akin ay ipinakita mo
akala ko pa naman ay magkaibigan tayo
kahit na dito lamang sa peysbuk nagkatagpo...


sana ay masaya ka sa lahat ng ginawa
sa paglalaro mo sa aking tiwala
gusto ko lang sabihin sa yo ng taas-noo
na yung totoong ako ang nakilala mo...


ngayon ay tapos na ang 'yong pagbabalat-kayo
kahit ilang libo pa ang maging paliwanag mo
sarado na ang mga tenga ko
at tinatapos ko na ang palabas na ito.





(31 august 2010)

No comments:

Post a Comment