Monday, September 13, 2010

=broken-hearted me=



hindi ko alam kung paano muling magsisimula
paano ko haharapin ang buhay ngayong wala ka na
hindi ko alam kung tama ba itong aking ginawa
ang ikaw ay iwan kahit tayoy nagmamahalan pa...


masakit man sa akin ang sa iyoy magpaalam
ngunit ito lamang ang tanging alam kong paraan
ayaw kong dumating ang panahon na kapwa masaktan
kaya habang maaga pa pinuputol ko na ang ating ugnayan...


mahal kita yan ang lagi mong tatandaan
minahal kita kahit alam kong akoy masasaktan
pagmamahal ko sa iyoy walang sukatan
kaya itong desisyon ko sanay iyong maunawaan...


salamat sa pag-ibig na sa akin ay ibinigay
salamat sa pagtyatyaga sa kakulitan kong taglay
salamat sa pag-amo sa tuwing akoy nagtatampo
salamat sa pagsuyo sa bawat pagseselos ko...


marahil sa ngayon ikaw ay aking nasaktan
alam kong darating ang panahon itoy maiintindihan
itong aking ginawa ay iyo pang pasasalamatan
sapagkat sa pagdedesisyon hindi ka na mahihirapan...


kung darating ang panahon na landas natiy muling magtatagpo
hiling ko na sana pagkakaibigan ay muling mabuo
hindi pa siguro sa ngayon pagkat puso koy nagdurugo
marahil sa dako pa roon kapag sakit nitong damdami'y naglaho...



(23 august 2010)

No comments:

Post a Comment