Monday, September 13, 2010

Padre Damaso

Kaninang umaga, gising ko ay kay ganda
Ngiti sa aking labi ay talaga namang kay-igaya
Magaang damdamin ay aking daladala
At kay aliwalas nitong aking mukha.


Subalit ang lahat ay dagling nagbago
Ng tinig mo ay narinig at ikaw ay iniluwa nitong pinto
Mundo ko'y biglang nagkaroon ng gyera at sigalot
At ang maaliwalas na mukha'y napalitan ng simangot.


Ang aking dibdib ay tunay na nagpupuyos,
Sa galit, sa pagkamuhi at pagkasuklam na lubos
Talaga namang ikaw sa bait ko ay matinding pagsubok
Na kailangan ng sangkaterbang panalangin
bago mapalipas ang matinding pagkayamot.


Gustuhin ko man na ikaw ay patulan
Kailangan kong magpigil dahil baka ako'y biglang umuwing talunan
Alam kong sa iyo wala akong kalaban-laban
Kaya't sa panitik na lang ikaw ay aking babanatan.

No comments:

Post a Comment