time is too slow for those who wait...too swift for those who fear...too long for those who grieve...too short for those who rejoice...but for those who LOVE..........TIME is ETERNITY...
Wednesday, August 18, 2010
...level up...
doon sa ilb
ako ay nakakilala
ng mga taong nakasama sa lungkot at saya
araw-araw sa net kausap sila
hanggang sa naging malapit na sa isa't isa..
hindi ko akalain na akoy makakakita
ng mga kaibigang makakaramay sa tuwina..
hindi ko akalaing doon ay liligaya
at magkakaroon ng totoong pamilya..
aming pagkakaibigan
ngayoy ibang level na
mga tinig ay narinig
maging mga halakhak nila
para namang musika sa aking tenga..
sa aking ateng emotera nay ukitera pa
sa aking inay na talaga namang pilya
sa tita red kong maganda na kay sarap tumawa
akoy masayang-masaya
pagkat kayoy nakausap na..
kagaya ng aking sabi sa inay olive kong marikit
sya pala ay totoong tao at hindi isang alien na mabagsik
ng ang boses ni tita red at ate liezel ay narinig
aking napagtantong totoo ang ating frendship..
kaya naman sa Poong Lumikha
taos puso ang aking pasasalamat
pagkat sa buhay ko kanyang ipinagkaloob
mga bagong kaibigang walang katumbas na saya ang dulot
sa inyo pong tatlo na aking nakausap
gusto ko pong malaman nyo na akoy labis na nagagalak
pagkakaibigan natiy walang makakatumbas
mahal ko po kayo yan ay hindi na kukupas..
(09 august 2010)
...iloveu goodbye...
bakit ba ganito ang aking nararamdaman?
akoy nalulungkot at di ko maintindihan
boses mo ay hinahanap subalit di naman matagpuan
puso koy nangungulila, nasan kaya ang minamahal?
kay hirap talaga ng walang kasiguruhan
ano ka sa buhay nya, ni hindi mo alam
sapat na bang marinig ang "Mahal kita" sa kanyang bibig
upang mapanatag ang damdamin kong naliligalig.
sana ay malaman mong ikay aking mahal
kahit na nahuli man ang dating ko sa iyong buhay
mahal kita kahit alam kong akoy walang hinihintay
sapat na ang marinig na ako ri'y iyong minamahal.
may mga pagmamahal siguro na talagang may hangganan
at marahil ang sa atin ay ngayon na ang katapusan
palalayain kita pagkat ayaw ko ng masaktan
dahil sa bandang huli ako pa rin ang talunan.
siguro ay sasabihin mong akoy madamot at duwag
pagkat pagmamahal koy di magawang ipagsigawan sa lahat
subalit iwan ka ang tanging alam na paraan
ayaw kong makasakit ng iba dahil minsan na ring ako'y nasaktan.
kaya paalam na sa iyo aking mahal
salamat sa pagmamahal na sa akiy inialay
salamat sa pagtatyaga at pang-unawa na sa aki'y ibinigay
mahal kita kaya akoy magpaparaya, yan ang lagi mong tatandaan.
(07 august 2010)
???question mark???
hindi ko alam kung saan at paano nagsimula
na ang puso ko sa iyo ay mangulila
saan man ibaling yaring mga mata
mukha mo ang siyang palaging nakikita...
nasaan na ba ang iyong mga pangako
na palaging sambit noong akoy sinusuyo
bakit tila ang lahat ay biglang naglaho
sa yo yata ang pag-ibig ay isa lamang laro...
hindi ko alam kung dapat pa bang akoy maghintay
at iniwan mong pagmamahal ay aking panghawakan
hindi ko alam kung ito ba ay may patutunguhan
o nararapat na bang ika'y aking kalimutan...
pangalan ko pa rin kaya ang iyong sinasambit
kasama pa kaya ako sa iyong mga panaginip
ako pa rin kaya ang lagi mong naiisip
sa puso mo kaya ako pa rin ang syang nakaukit???
sana ang mga tanong ko ay mabigyang kasagutan
at ng ako naman ay hindi na maguluhan
kung ang puso mo'y may iba ng nilalaman
sabihin mo lang at ang lahat ay aking mauunawaan...
(25 july 2010)
silent majority
ano ang pumupigil
para ikay magsalita
marahil ikaw sa kanilang lahat ay nahihiya
o baka naman natatakot na ikaw ay makutya...
sapat na ba ang magmasid
at manahimik sa isang tabi
kahit na ang nasa iyong paligid
ay kagulo ng parati...
paano kung tinig mo na lang ang hinihintay
paanong ang opinyon moy mabibigyang saysay
ayaw umimik at laway ay pinanghihinayangan
ano ang problema at ika'y natitigilan...
bakit hindi isigaw ang nilalaman ng isipan
kung gusto ay pabulong ayos din naman
ang mahalaga'y marinig ang iyong tinig
baka ang hinahanap na sagot ay nasa yong mga bibig...
(25 july 2010)
para ikay magsalita
marahil ikaw sa kanilang lahat ay nahihiya
o baka naman natatakot na ikaw ay makutya...
sapat na ba ang magmasid
at manahimik sa isang tabi
kahit na ang nasa iyong paligid
ay kagulo ng parati...
paano kung tinig mo na lang ang hinihintay
paanong ang opinyon moy mabibigyang saysay
ayaw umimik at laway ay pinanghihinayangan
ano ang problema at ika'y natitigilan...
bakit hindi isigaw ang nilalaman ng isipan
kung gusto ay pabulong ayos din naman
ang mahalaga'y marinig ang iyong tinig
baka ang hinahanap na sagot ay nasa yong mga bibig...
(25 july 2010)
==estranghero==
Sino kang basta na lamang kumatok sa aking pintuan
Nakipagkilala at nakipagkaibigan
Sino kang nangangako na ako’y hindi sasaktan
Gayong tayo naman ay di magkakilalang lubusan.
Paano kayang ikaw ay pagtitiwalaan?
Paano kayang mga salita mo’y aking panghahawakan?
Paano kayang mga pangako moy paniniwalaan?
Paano kaya tanong nitong puso ko’t isipan…
Gustuhin ko man na ikaw ay pakinggan
At hiling mo ay aking pagbigyan
Kulang pa ang panahon na ating pinagsamahan
Estranghero ka pa rin na aking matuturingan.
(14 july 2010)
para sa yo to bestfrend!!!
Nang una kitang makilala
Ako’y sadyang nairita
Kadaldalan mo ay sobra
Ang lakas mo pang tumawa..
Ni wala sa aking hinagap
Na tayoy magiging magkaibigan
Pagkat sa aking pagkakaalam
Ang lahat sa atin ay kabaligtaran..
Ako ang mabait, ikaw ang maldita
Ako ang tahimik, ikaw ang madada
Ako ang pirmi sa bahay, ikaw ang lakwatsera
Ako ang mahinhin at ikaw ang pa-charming..
Hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula
Kung paano at bakit nagkasundo tayong dalawa
Subalit ang lahat ay hindi na mahalaga
Bastat ikaw ang bestfrend ko, walang mag-iiba..
Maraming tawa na ang ating pinagsaluhan
Maraming luha na ang ating pinagsamahan
Maraming pagsubok na ang ating nalampasan
At thank you kay Lord sa lahat ng yan..
Kung ako ay muling mabubuhay dito sa mundong ibabaw
Ikaw pa rin ang pipiliin kong maging matalik na kaibigan
Pagkat wala na akong hahanapin pa maging sa seryoso o kalokohan
Ako’y kilala mo na mula ulo hanggang talampakan..
Very thankful ako at ikaw ay nandyan
Sa lahat ng sandali aking nasasandalan
Kahit madalas na taliwas ang ating paniniwala at kaisipan
Sa bandang huli ang lahat ay ating naiintindihan..
At kung dadating ang panahon na tayoy tumanda
At sa iyo ay walang handang mag-alaga
Narito lamang ako palagi sa iyong tabi
At hindi ka iiwan ano man ang mangyari.
I Love You Bestfrend…
thank you for catching me everytime I fall..
thank you for loving me despite my weaknesses..
thank you for listening to my nonsense speeches..
thank you for laughing and crying with me..
thank you for always being there for me..
happy birthday!!!iloveu.
Ako’y sadyang nairita
Kadaldalan mo ay sobra
Ang lakas mo pang tumawa..
Ni wala sa aking hinagap
Na tayoy magiging magkaibigan
Pagkat sa aking pagkakaalam
Ang lahat sa atin ay kabaligtaran..
Ako ang mabait, ikaw ang maldita
Ako ang tahimik, ikaw ang madada
Ako ang pirmi sa bahay, ikaw ang lakwatsera
Ako ang mahinhin at ikaw ang pa-charming..
Hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula
Kung paano at bakit nagkasundo tayong dalawa
Subalit ang lahat ay hindi na mahalaga
Bastat ikaw ang bestfrend ko, walang mag-iiba..
Maraming tawa na ang ating pinagsaluhan
Maraming luha na ang ating pinagsamahan
Maraming pagsubok na ang ating nalampasan
At thank you kay Lord sa lahat ng yan..
Kung ako ay muling mabubuhay dito sa mundong ibabaw
Ikaw pa rin ang pipiliin kong maging matalik na kaibigan
Pagkat wala na akong hahanapin pa maging sa seryoso o kalokohan
Ako’y kilala mo na mula ulo hanggang talampakan..
Very thankful ako at ikaw ay nandyan
Sa lahat ng sandali aking nasasandalan
Kahit madalas na taliwas ang ating paniniwala at kaisipan
Sa bandang huli ang lahat ay ating naiintindihan..
At kung dadating ang panahon na tayoy tumanda
At sa iyo ay walang handang mag-alaga
Narito lamang ako palagi sa iyong tabi
At hindi ka iiwan ano man ang mangyari.
I Love You Bestfrend…
thank you for catching me everytime I fall..
thank you for loving me despite my weaknesses..
thank you for listening to my nonsense speeches..
thank you for laughing and crying with me..
thank you for always being there for me..
happy birthday!!!iloveu.
Tuesday, August 17, 2010
kahapon
Kahapon, nakita kita, kasama mo siya
Nakangiti ka ngunit tila ba may lungkot ang mga mata
Gusto kong itanong kung masaya ka bang talaga
Oh nagkukunwari lang sa piling niya.
Kahapon, nakita ko ang ating nakaraan
Masaya at puno ng pagmamahalan
Ito ba talaga ang siyang nararapat?
Ang tayong dalawa ay maghiwalay ng landas.
Ako kaya ay tuluyang nalimot mo na
Kasama ang lahat ng ating alaala
Marahil ay sadyang ito ang nakatakda
Ikaw at ako ay di para sa isa’t isa.
Hangad ko ang kasiyahan mo sa piling nila
Ako man sa ngayon ay may sariling buhay na
Kung sakaling bukas tayo ay muling magkikita
Sana ay pareho na tayong maligaya.
(13 january 2010)
Nakangiti ka ngunit tila ba may lungkot ang mga mata
Gusto kong itanong kung masaya ka bang talaga
Oh nagkukunwari lang sa piling niya.
Kahapon, nakita ko ang ating nakaraan
Masaya at puno ng pagmamahalan
Ito ba talaga ang siyang nararapat?
Ang tayong dalawa ay maghiwalay ng landas.
Ako kaya ay tuluyang nalimot mo na
Kasama ang lahat ng ating alaala
Marahil ay sadyang ito ang nakatakda
Ikaw at ako ay di para sa isa’t isa.
Hangad ko ang kasiyahan mo sa piling nila
Ako man sa ngayon ay may sariling buhay na
Kung sakaling bukas tayo ay muling magkikita
Sana ay pareho na tayong maligaya.
(13 january 2010)
Dakila ka INA
Siyam na buwan ang iyong pinagdaanan
Bago iluwal sa mundo ang isang nilalang
Ikaw ang kanyang naging unang guro
At ang mabubuting bagay ikaw ang unang nagturo.
Dakila ka Ina, pag-ibig mo'y walang kapara
Buhay man ay ibibigay, sa anak na sinisinta
Hindi naghahangad ng anumang kapalit
Kabutihan ng anak ang laging nasa isip.
Kaya naman ang lahat sa iyo ay nagpupugay
At pasasalamat sa iyo ang alay
Wala kang katulad, sa mundong ibabaw
Kadakilaan mo'y walang makapapantay
(05 may 2010)
Subscribe to:
Posts (Atom)